Ex-tserman binoga

Batangas – Isang 52-anyos na dating barangay chairman ang napatay ma­tapos pagbabarilin ng bagi­tong pulis at kapatid nito ha­bang nasa isang la­mayan sa bayan ng Cuen­ca lalawigang ito kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Inspector Norman Cas-Oy, deputy chief ng Cuenca PNP ang bik­timang si Julian Abrenica, residente at dating chairman ng Barangay Labac, Cuenca.

Tinutugis naman ngayon ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Police Officer Benito Ma­rasigan, Jr. at kapatid ni­tong si Raphael Marasigan. (Arnel Ozaeta)

Show comments