^

Probinsiya

3 sa drug ring tumba sa barilan

-

Tatlong pinaghihi­na­laang miyembro ng isang malaking sindi­kato ng droga ang na­patay samantalang sugatan naman ang tatlong pulis sa pag­sa­lakay ng mga awto­ridad sa kuta ng mga suspek sa Barangay Osmeña, Compostela Valley nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Compos­tela Valley Provincial Police Office Director Sr. Supt. Ronald de la Rosa ang napatay na lider ng grupo na si Emmanuel Quijano alyas Dingla na wanted sa samu’t saring kaso na may kinalaman sa pagbebenta ng iligal na droga.

Ang dalawa pa ni­tong nasawing tauhan ay pawang inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Nasawi kinalaunan si PO2 Allan Ruiz ha­bang ginagamot sa Tagum Doctors Hospital sa Tagum City, Da­vao del Norte matapos itong tamaan ng ini­hagis na granada ng isa sa mga suspek.

Ayon kay dela Rosa nagtungo sa lu­gar ang pinagsanib na elemen­to ng Compostela Valley Provincial Police Office at Criminal Investigation and Detection Group para isilbi sana ang warrant of arrest laban sa grupo ni Quijano.

Gayunman, pinag­ba­baril ng mga suspek ang mga pulis na na­uwi sa palitan ng putok ng magkabilang panig.

Narekober sa pi­nang­yarihan ng bak­bakan ang dalawang cal. 45 pistol, isang fragmentation hand grenade, ilang transparent plastic sachet na naglalaman ng may 300 gramo ng shabu. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALLAN RUIZ

BARANGAY OSME

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELA VALLEY PROVINCIAL POLICE OFFICE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EMMANUEL QUIJANO

JOY CANTOS

SHY

TAGUM CITY

TAGUM DOCTORS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with