3 minero nilamon ng lupa

Napaaga ang salubong ni kamatayan sa tatlong minero makaraang ma­bagsakan ng malalaking tipak na bato sa minahang sakop ng Purok 25, Sitio Bango sa Barangay Ngan, Compostela, Compostela Valley kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Ronald dela Rosa, ang mga biktima  na sina Jamil Gonzales, 20; John­ny Gonzales   at  si Julius Gevera.

Base sa police report na nakarating sa Camp Cra­me, nagmimina ang mga biktima  nang maganap ang trahedya bandang alas-4:30 ng hapon.

Nabatid na tinatangka ng mga biktima na ma­pali­his ang agos ng tubig nang magtuluy-tuloy na gumuho ang itaas na bahagi ng creek kabilang na ang malalaking tipak ng bato.

Tumagal pa ng ilang mi­nuto bago nakuha ng rescue team ng lokal na pa­ma­halaan ang mga bangkay ng tatlo. Joy Cantos

Show comments