^

Probinsiya

7 kawani na dinukot, laya na

-

Matapos ang walong araw na pagkakabihag, pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group, ang pitong manggagawa sa gravel and sand company kamakalawa ng gabi sa bayan ng Tuburan, Basilan.

Ayon sa spokes­woman ng regional Army na si 1st Lt. Steffani Cacho, dakong alas-10:30 ng gabi nang palayain sina Mao Ponce, Tomas de Leon, Albert Manulis, Wagi Toledo, Alfred Liam, Rocky Caceres at isang alyas Jobert.  

Kaagad naman dinala ang mga biktima sa kampo ng Phil. Marines sa Barangay Campo Uno, sa bayan ng Lamitan para sa debriefing bago dalhin sa Isabela City, Basilan.

Ang pagpapalaya sa mga biktima ay bunsod ng negosasyon ni Lamitan City Mayor Roderick Furigay na walang kapalit na ransom.

Gayon pa man, may mga kumakalat na report na binayaran ng alkalde ang board and lodging ng pito. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

ALBERT MANULIS

ALFRED LIAM

BARANGAY CAMPO UNO

BASILAN

ISABELA CITY

JOY CANTOS

LAMITAN CITY MAYOR RODERICK FURIGAY

MAO PONCE

ROCKY CACERES

STEFFANI CACHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with