^

Probinsiya

Rookie cop dedo sa kabaro

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Maagang nag­wakas ang serbisyo ng isang bagitong pulis ma­tapos ma­patay ng kapwa niya pulis sa loob ng ka­nilang barracks sa bayan ng Pagsan­jan, Laguna ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director, ang napas­lang na si PO1 Hu­bert Cor­tez, 31, ng Cabu­yao, Laguna at nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa Pagsanjan.

Samantala, nahaharap na­man sa kasong homicide at administratibo ang sus­pek na si PO1 Romeo Enconado, 34.

Ayon sa ulat, lumilitaw na natutulog si PO1 Cortez sa ka­nilang barracks sa Police Assistance Center Base 1 sa Ba­rangay San Isidro nang du­ma­ting at nagkakatok sa naka­sa­ra­dong pinto si PO1 Enco­nado bandang alas-10:15 ng gabi.

Naalimpungatan naman si PO1 Cortez at kinom­pronta si PO1 Enconado hanggang sa magkabari­lan.

Kapwa isinugod sa Laguna Provincial Hospital, ang dalawa pero idinekla­rang patay si PO1 Cortez saman­ talang nanganganib namang maputulan ng kamay si PO1 Enconado matapos tamaan ng bala ng M16 rifle.

Agad namang sinibak ni P/Supt. Labador ang hepe ng Pagsanjan PNP na si P/Senior Insp. Rolando Vas­quez at pinalitan ni P/Senior Insp. Rolando Ilde­fonzo.

Initusan din ni Labador ang lahat ng baguhang pulis sa Pagsanjan para su­ma­ilalim sa retraining, refocusing at reorientation upang ma­iwasang maulit ang insi­dente. (Arnell Ozaeta, Ed Amoroso at Joy Cantos)

ARNELL OZAETA

ED AMOROSO

ENCONADO

JOY CANTOS

LABADOR

LAGUNA PROVINCIAL HOSPITAL

PAGSANJAN

PO1

SENIOR INSP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with