Pulis pumatay

CEBU CITY – Na­ha­ha­rap ngayon sa kasong kriminal ang isang alagad ng batas makaraang mapaslang nito ang kanyang ba­yaw na tinawag siyang bakla noong Biyernes sa kahabaan ng N. Ba­calso Avenue sa Ba­rangay Sambag 1, Cebu City, Cebu.

Pormal na kinasu­han matapos sumuko sa pulisya ang suspek na si PO1 Jose Dennis Malazarte, 41, ng Cebu Provincial Police Office at residente ng Ba­rangay San Antonio, Cebu City.

Base sa police report, lumilitaw na na­kikipag-inuman ng alak ang biktimang si Bienvenido Alforfon, 36, sa kanyang dala­wang kaibigan sa isang tindahan nang duma­ting si PO1 Malazarte at umupo malapit sa mesa ng biktima.

Ilang minuto ang nakalipas ay umalis na ang dalawang kaibi­ gan ni Alforfon kaya lu­mapit naman ang suspek para maki­pag­ku­wentu­han.

Dahil sa senglot na ang bayaw ay kinom­ pronta ni PO1 Mala­zarte tungkol sa iligal na operasyon ng mga dispatcher ng pampa­saherong jeepney.

Nagalit naman si Alforfon sa tinuran ng kanyang bayaw kaya tinawag nitong bakla hang­gang sa magalit naman ang suspek at binunot nito ng kan­yang baril saka pinapu­tukan ng ilang ulit ang una.

Sumuko naman si PO1 Malazarte kay PO2 Remos Goco ng PNP Mobile Patrol Group. (Danilo Garcia)

Show comments