Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency ang pagkakabuwag sa isang sindikato ng iligal na droga na kumikilos sa Baguio City at Benguet matapos na masakote ang siyam nitong miyembro.
Kinilala ang mga nadakip na sina Shirley Wadingan, Rimando Cadap, Shanedatu Utoh, Marlyn Aquino, Lucrecia Madanes, Zanny Ryan Quiroz, Joel Fallorin, Jordan Luther Managdag, at Mary Jane Espiritu na bumubuo sa Bambi Drug Group.
Sinabi ni PDEA Director General Dionisio Santiago Jr. na nasakote ang mga suspek sa magkakahiwalay na operasyon mula Mayo hanggang Nobyembre ngayong taon sa pinaigting na pagtutok sa naturang grupo. (Danilo Garcia)