^

Probinsiya

6 sugatan sa pambobomba

- Joy Cantos -

Dalawang pambo­bom­ba sa magkahiwalay na lugar sa Sultan Kudarat ang isinagawa ng hinihi­nalang mga teroristang grupo bilang ganti sa pag­kakadakip ng mga awtori­dad kamakailan sa isang bomb-maker na Bangla­deshi national na pinani­niwalaang konektado sa Jemaah Islamiyah.

Wala namang nasawi bagaman anim na katao ang nasugatan sa dala­wang magkakahiwalay na pagsabog ng bomba na yumanig sa bayan ng Isu­lan sa Sultan Kudarat Hu­webes ng gabi.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines-Eastern Mindanao Command Major Randolph Cabangbang ang mga biktima na sina Rowena Durana, 38; Diego Sitti Honorato, 46; Ramil Noblieza, 25; Ailen Anca­tan, 33, isang vendor na nagtamo ng sugat sa dib­dib at paa; Rey Tacuyan, 21; Jean Uloy, 21 anyos.

Ayon kay Cabangbang, naitala ang unang pag­sabog dakong alas-8:20 ng gabi sa tabi ng Mercury drugstore sa kahabaan ng  national highway sa Pobla­cion, Isulan.

Ang sumabog na bom­ba ay isang uri ng Improvised Explosive Device.

Bandang alas-8:25 na­man ng gabi, isa pang pagsabog ang yumanig sa may bakuran ng Sultan Kudarat Electric Company Sub Station sa kahabaan ng national highway sa Kala­wag 3, Isulan malapit sa sim­bahan ng Iglesia ni Cristo.

Wala namang naiulat na nasugatan sa ikalawang pagsabog bagaman nag­tamo ng pinsala ang compound ng Sukelco.

Sinabi ni AFP-PIO Chief Lt. Col. Ernesto Tor­res Jr. na pinaniniwalaang kaga­gawan ng mga kasa­mahan ng nasakoteng Je­maah Islamiyah terrorist na si Mohammad Rafiqullah alyas Muhammad Alfariz ang nangyaring pagpapa­sabog sa lugar.

Si Rafiqullah, isang Bangladesh na kasapi ng JI terrorist ay nasakote ng mga awtoridad sa Brgy. Tapayan, Datu Mastura Mun, Shariff Kabunsuan noong Disyembre 2.

AILEN ANCA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES-EASTERN MINDANAO COMMAND MAJOR RANDOLPH CABANGBANG

CHIEF LT

DATU MASTURA MUN

DIEGO SITTI HONORATO

ERNESTO TOR

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

ISULAN

JEAN ULOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with