^

Probinsiya

5 sundalo utas sa landmine

-

Limang sundalo ng Phil. Army ang iniulat na nasawi habang apat iba pa ang na­sugatan makaraang suma­bog ang landmine na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army sa bisinidad ng Sitio Bantolinao, Barangay Gana­yon sa bayan ng Lianga, Suri­gao del Sur noong Martes ng hapon.

Kabilang sa mga namatay ay sina M/Sgt. Rolly Banag, T/Sgt. Juanito Tela, Sgt. Ruel Ortero, Cpl. Amil Julmadi at si Pfc Piong Jalain.

Nasa Lianga District Hospital naman ang mga suga­tang sina S/Sgt. Danilo Ma­mo­cay, Corporal Haliddin Habibun, Sgt. Mamucay at si Cafgu Simbahon.

Sa ulat na tinanggap ka­hapon ni Army Chief Lt. Gen. Victor Ibrado, ang mga bik­tima ay kabilang sa pang­kat ng Army Personnel Management Center sa pamu­muno ni Captain Allan Espela na nakabase sa Fort Boni­facio, Taguig City.

Napag-alamang bumi­bi­sita sa mga Army cap ang mga bik­ ti­mang lulan ng trak patungo sana sa kampo ng 401st Infantry Brigade ng Army’s 4th Infantry Division nang maganap ang pag­sabog.

Natangay ng mga rebelde ang limang malalakas na kalibre ng baril, mga bala, lap­top, cellular phones at mga personal na kagamitan ng mga sundalo. (Joy Cantos)

AMIL JULMADI

ARMY CHIEF LT

ARMY PERSONNEL MANAGEMENT CENTER

BARANGAY GANA

CAFGU SIMBAHON

CAPTAIN ALLAN ESPELA

CORPORAL HALIDDIN HABIBUN

SGT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with