^

Probinsiya

Brodkaster itinumba

- Joy Cantos, Miriam Garcia Desacada -

Isa na namang brod­kaster ng lokal na himpilan ng radyo ang iniulat na nasawi makaraang ratratin ng ‘di-pa nakilalang lalaki sa naganap na pananam­bang sa bayan ng San Roque, Northern Samar noong Martes ng gabi.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Eusebio Mejos, Samar police director, ang biktimang napuruhan sa ulo at kali­wang dibdib ay nakilalang si Leo Mila, 35.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, si Mila na kilala bilang hard-hitting commentator sa Northern Samar ay pinagbabaril sa loob ng compound ng Radyo Natin (affiliate station ng Manila Broadcasting Company) sa Sitio Na­peres, Brgy. Zone 3 na may ilang kilometro ang layo mula sa town proper ng San Roque.

Ayon kay Col. Mejos, ang pagpatay kay Mila ay may kinalaman sa kanyang matinding pag-atake sa operasyon ng New Peo­ple’s Army’s revolutionary taxation na inimpli­menta sa nabanggit na lalawigan at pagbanat sa ilang isyung political.

Nadiskubre ang bang­kay ni Mila sa madilim na bahagi ng nasabing compound at dinala sa isang pribadong morgue para isailalim sa post-mortem examination sa bayan ng Catarman.

Si Mila na may araw-araw na programa sa Rad­yo Natin na “Himig Wa­raynon” ay kauna-unahang pinaslang sa Northern Samar at ikalawa sa buong rehiyon. Si Ramon “Mon­ching Noblejas ay binaril at napatay sa compound ng DyVL sa Tacloban City noong Oktubre 4, 2007 at kasalukuyang ‘di-pa nare­resolba ng mga awtoridad ang krimen.

EUSEBIO MEJOS

HIMIG WA

LEO MILA

MANILA BROADCASTING COMPANY

NEW PEO

NORTHERN SAMAR

RADYO NATIN

SAN ROQUE

SENIOR SUPT

SHY

SI MILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with