Umatras sa kasal, bride tinodas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang bride na pinani­niwalaang umatras sa kanyang kasal ang pi­nagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang groom kung saan umi­nom naman ng lason ang huli sa Purok 1, Ba­rangay Hindi sa bayan ng Bacacay, Albay kaha­pon ng umaga. 

Kinilala ng pulisya ang biktimang dalaga na si Margie Bermun­ do, 30, samantalang ang sus­pek na bina­ba­n­tayan ng pulisya ha­bang gina­gamot sa Ziga Memorial District Hospital sa Tabaco City ay kinilalang si Sandro Barquell, 36.

Base sa police report, naganap ang insi­ dente dakong alas-10 ng umaga habang ang bik­timang nagpapa­hinga sa loob ng kanilang ta­hanan nang dumating ang suspek na galit.

Ilang hakbang pa la­mang ay kaagad na ki­nompronta ng suspek ang kanyang bride-to-be dahil sa napaulat na tang­kang pag-atras nito sa kasalan sa hindi nabatid na dahilan.

Dahil sa nagkakasi­gawan ang magkasin­ ta­han ay tinangkang ma­ma­gitan ng ina ng da­laga na si Melchora Ber­mundo, 62, subalit ma­bilis na pinagsa­saksak ng suspek ang biktima, subalit maging ang ma­tandang Ber­mundo ay pinagsa­saksak din.

Matapos ang pana­ naksak ay kinuha ng suspek ang botelyang may lason at tinunga ito, habang sumaklolo na­man ang ilang kapit­ba­hay ng pamilya Ber­mundo at naisugod sa nasabing ospital ang mga biktima. Dagdag ulat ni Joy Cantos

Show comments