^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

3 patay sa road mishap

Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi makaraang masalpok ng kotse ang likurang bahagi ng traysikel sa kahabaan ng Dona Aurora Blvd. sa Barangay Gulang-Gulang sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga namatay ay sina Andre Frederick Paranal, 21 at Juan Paolo Arceo, 18; habang namatay naman sa Quezon Medical Center si Rosario Durante, 44. Ginagamot naman sa Mt. Carmel Hospital sina Joseph Lagos Real, Ray Ryan delos Reyes, Benedict Llera, Maria Danibe Edrad, Madonna Durante, Donnalyn Durante, Donnabel Durante, Diana Durante, at si Sabel delos Reyes. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinalpok ng Mazda (UKW -892) ang likuran ng traysikel ni Real kaya sumalpok naman sa jeepney na minamaneho ni Ray Ryan delos Reyes na sumalpok naman sa konkretong pader ng tindahan. (Joy Cantos)

4 mag-aama nilamon ng dagat

Apat na miyembro ng pamilya na pawang mangi­ngisda ang iniulat na nawawala kung saan pumalaot sa karagatan ng La Union noong Biyernes, ayon sa ulat kahapon. Kabilang sa mga biktimang pinagha­hanap ng rescue team ng Phil Coast Guard at Phil Navy ay sina Florendo Mostoles Sr., Florendo Jr., Jojo at Louie, na pawang mga residente ng Barangay Dili, Santa Cruz, Ilocos Sur. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lulan ng bangka na may markang Juan Dasan ang mga biktima nang abutan ng unos sa karagatan at hindi na nakabalik pa. (Joy Cantos)

Tiktik ng AFP dinukot, inutas

LEGAZPI CITY, Albay – Dinukot at pinaslang ng mga re­bel­deng New People’s Army ang isang 48-anyos na misis na inakalang tiktik ng militar sa Barangay Cagbacong, Le­gazpi City kahapon. Ang bangkay ng biktimang si Azucena Arana ay natagpuan bandang alas-6 ng umaga na tadtad ng mga bala sa katawan. Ayon sa police report, pinasok ng mga rebelde sa pamumuno ni Ka Rolex ang tahanan ng pamilya Arana saka kinaladkad palabas ang biktima hang­gang sa ma­dis­kubre ang duguang katawan nito sa mada­mong lugar. (Ed Casulla)

ANDRE FREDERICK PARANAL

AYON

AZUCENA ARANA

BARANGAY CAGBACONG

BARANGAY DILI

CAMP CRAME

JOY CANTOS

RAY RYAN

REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with