^

Probinsiya

Opisyal ng public market itinumba

-

Tinambangan at napatay ang isang opisyal ng public market habang sugatan naman ang dalawang iba pa kabilang ang isang guro sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Sta. Cruz sa Isabela City, Basilan kamakalawa ng gabi.

Sa provincial police report na nakarating sa Camp Crame, idineklarang patay sa Infante Hospital si Basher Hajan, superintendent sa Isabela City Public Market habang ginagamot naman ang kaangkas sa motorsiklong si Jocelyn del Cuesta, isang guro sa pampublikong paaralan.

Sugatan din ang bysander na si Faisar Angging matapos tamaan ng ligaw na bala ng baril.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na sakay ng motorsiklo ang dalawang biktima nang sundan ng mga armadong mag­ka­angkas din sa motorsiklo.

Nang makakuha ng tiyempo ay niratrat si Hajan kung saan nadamay si del Cuesta at ang bystander. Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY STA

BASHER HAJAN

BASILAN

CAMP CRAME

CRUZ

FAISAR ANGGING

INFANTE HOSPITAL

ISABELA CITY

ISABELA CITY PUBLIC MARKET

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with