Kaso lutas na, suspek sa pagpatay sa komentarista kinasuhan

Naresolba na ang kaso ng pagpatay sa isang ko­mentarista sa radio sa Gingoog, Misamis Oriental noong Nobyembre 17, 2008 matapos makilala at makasu­han ng murder kahapon sa Hall of Justice sa Cagayan de Oro City ang mga suspek na sina Benjamin K. Palarca at Ariel M. Degamo.

Ayon kay Justice Un­der­secretary Ricardo Blan­­caflor na siya ring chairman ng Task Force 211 (Task Force Against Political Violence), iti­nuturing na lutas na ang kaso matapos na positi­bong ituro ng mga testigo ang mga suspek na siyang bumaril at pumatay sa komentaristang si Are­cio Jandag Padrigao. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments