TRECE MARTIREZ CITY, Cavite – Umaabot sa150 yunit ng computer mula sa South Korea ang ipinamahagi nina Cavite Gov. Ayong S. Maliksi at Dr. Nelda Dator ng DepEd Cavite sa 19 na pampublikong paaralan para maiangat ang kasanayan sa Information and Communication Technology (ICT) ng mga kabataang Kabitenyo.
Kabilang sa mga eskuwelahang tumanggap ng siyam na yunit ng computer ay ang Bacoor Central Elem. School, Tibig Elem. School, Silang; Amadeo Elem. School; Alfonso Elem. School; Ligtong Elem. School, Rosario; Kawit Elem. School; Gen. E.San Miguel Elem. School, Noveleta; Carasuchi Elem. School,Indang; Buenavista Elem. School, Gen. Trias; at Trece Martires City Elem. School.
Walong computer naman bawat isang ang ipinagkaloob sa Dasmariñas National Hayskul; Carmona National Hayskul; at sa Bagbag National Hayskul sa bayan ng Rosario. Samantala, anim na computer ang ipinamahagi sa Bagtas Elem. School,Tanza; Malabag National Hayskul,Silang; San Jose Com. Hayskul, GMA; Gen. E. Aguinaldo Hayskul; Naic Coastal National Hayskul at Bendita National Hayskul sa bayan ng Naic.
Ito ang ika-4 na batch ng pamamahagi ng computer simula noong 2005 kung saan lumagda si Gob. Maliksi sa Education Information Exchange Agreement kasama ang Ministry of Jeollabukdo-Office of Education.