^

Probinsiya

Bus vs kotse: 3 patay

-

BAGUIO CITY — Kina­rit ni kamatayan ang tatlo-katao kabilang ang tatlong taong gulang na lalaki habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang magbanggaan ang pampasaherong bus at kotse sa kahabaan ng high­way sa bayan ng Santa, Ilocos Sur noong Sabado ng madaling-araw.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Mark John Cue, 28; Ramon Gabriel Battad, 3; at si Susan Laurente Llanes, 31; pawang resi­dente ng Vigan City, sa­man­talang ginagamot naman sa St. James Hospital sina Dr. Glenn Battad, 46; at Feli­cisima Battad, 77.

Base sa report ni P/Senior Supt. Virgilio Fabros, Ilocos Sur police director, na­ganap ang trahedya dakong alas-4:30 ng ma­daling-araw sa highway ng Barangay Namalangan kung saan pa-southbound ang Toyota Vios ni Cue nang sakupin nito ang kabilang linya ng highway kaya sumalpok sa kasalu­bong na Partas bus (AVN 498) na minamaneho ni Rey Aldeza.

Ayon pa kay Frabros, tinangkang iwasan ng pam­pasaherong bus ang kotse subalit mahagip din sa tagiliran.

May posibilidad na inan­tok ang drayber ng kotse dahil sa kahabaan ng na­sa­bing highway kaya na­ga­nap ang trahedya. Artemio Dumlao at Joy Cantos

ARTEMIO DUMLAO

BARANGAY NAMALANGAN

DR. GLENN BATTAD

ILOCOS SUR

JOY CANTOS

MARK JOHN CUE

RAMON GABRIEL BATTAD

REY ALDEZA

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with