^

Probinsiya

2 holdaper arestado

-

TANAUAN CITY, Ba­tangas – Dalawa sa tat­long ka­la­lakihan na pinani­niwa­laang notoryus na miyembro ng robbery/holdup gang ang naaresto ng pulisya maka­raang holdapin ang ilang ka­wani ng eskuwelahan na mag­­­dideposito sana ng mala­king halaga kamakalawa ng tanghali sa Tanauan City, Ba­tangas. Sumasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Ignacio Ponio, 28; at Andrew Basbas, 38, kapwa tubong Samar at nani­nirahan sa Navotas City. 

Nakatakas naman ang isang kasabwat na nakilala lamang na Max habang sakay ng kulay pulang motorsiklo.

Sa ulat ni P/Supt. Willy Atun, Tanauan City police chief, nag-withdraw ng P.250 milyon ang dalawang kawani ng Mabini Junior College na sina Flora Famisanan at Cerilla Jourdan sa sangay ng Metrobank at idideposito naman sana sa Landbank sa kabilang kalye lang sa ka­habaan ng JP Laurel highway.

Papatawid na sana ng kalye ang mga biktima nang harangin ng tatlong kalalaki­hang sakay ng motorsiklo at hablutin ang kanilang bag na naglalaman ng perang wini­draw bago tumakas.

Naabutan sina Ponio at Basbas sa Castillo Street sa Barangay Poblacion.

Narekober mula sa mga suspek ang shoulder bag na may lamang P.2 milyon at personal na gamit na isang itim na backpack, at isang baril. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ANDREW BASBAS

ARNELL OZAETA

BARANGAY POBLACION

CASTILLO STREET

CERILLA JOURDAN

FLORA FAMISANAN

IGNACIO PONIO

MABINI JUNIOR COLLEGE

SHY

TANAUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with