Suspek sa pagpatay sa doctor, tiklo
CALUMPIT, Bulacan – Rehas na bakal ang binagsakan ng pangunahing suspek sa pamamaslang sa isang doktor at bigong pagpatay sa dalawang iba pa noong 2006 matapos ang operasyon ng pulisya sa bayan ng Calumpit, Bulacan may ilang araw na ang nakalipas. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Candido Belmonte ng Malolos Regional Trial Court Branch 22, nadakma ng pulisya sa pangunguna ni P/Insp. Ed Acosta, ang suspek na si Danilo Flores Linsangan, dating chairman ng Brgy. Corazon sa nabanggit na bayan. Sa tala ng pulisya, naganap ang pamamaril at pagpaslang kay Dr. Norman Josue noong Mayo 14, 2006 habang nasa kasagsagan ng piyesta sa Brgy. Bulusan. Nakaligtas naman sina Florencio Navarro Camua, Andrea Francia Fortes at Lino Ignacio. Romeo “Boy” Cruz
Brgy. chairman nilikida
Pinaniniwalaang may kinalaman sa anti-insurgency campaign ang pamamaslang sa isang 41-anyos na barangay chairman ng mga rebeldeng New People’s Army sa bisinidad ng Sitio Dalimuno, Barangay Bantay, sa bayan ng Tabuk, Kalinga kamakalawa ng hapon, ayon sa police report na nakarating sa Camp Crame. Napuruhan ng bala ng baril sa katawan si Chairman Victor Dayagon ng nabanggit na barangay. Joy Cantos
Preso nagbigti dahil sa kaibigan
KIDAPAWAN CITY – Posibleng nakonsiyensya sa pagkakapatay sa matalik na kaibigan kaya nagbigti sa loob ng selda ang isang preso sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Magpet, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alejandro Arcenio ng Barangay Bagumbayan at nahaharap sa kasong homicide. Ayon kay PO2 Redentor Siangco, posibleng matinding sumbat ng budhi ang isa sa dahilan ni Arcenio kung saan napatay niya ang matalik na kaibi gang si Roger Mission noong Lunes ng gabi. Malu Manar
- Latest
- Trending