^

Probinsiya

Misis naabo sa sunog

-

Nilamon ng apoy ang isang 26-anyos na misis makaraang makulong sa nasusunog na tatlong ka­bahayan sa Purok 5, Ba­rangay Libertad sa bayan ng Isabel, Leyte kahapon ng umaga.

Kinilala ni SFO1 Cos­melito Tante, acting chief ng Bu­reau of Fire Protection sa Isabel, ang bikti­mang si Mildred Dela Flor y Trasmonte.

Sa imbestigasyon ni SFO1 Catalino Polangcos, nagsimula ang apoy sa ground floor ng bahay ni Rene Tras­monte kung saan nagtalunan sa bin­tana ang mga residente para maka­ligtas sa tiyak na panganib.

Base sa salaysay ng mga residente kay Polang­cos, nakalabas na ng ka­nilang bahay ang biktima nang bumalik uli sa hindi nabatid na dahilan kaya na-trap sa naglalagablab na kabahayan.

Natagpuan ang sunog na katawan ng biktima sa isang kuwarto sa ground floor kung saan nadamay ang dalawang bahay na pag-aari nina Alberto Chua, at Victor Gucela. Naapula naman ang sunog bandang alas-6:45 ng umaga mata­pos rumesponde ang mga bombero mula sa Phil­phos, Merida, Palompon at PASAR. Pina­ni­ni­walaang faulty electrical wiring ang isa sa dahilan ng sunog. Roberto C. Dejon

ALBERTO CHUA

CATALINO POLANGCOS

DEJON

FIRE PROTECTION

KINILALA

MILDRED DELA FLOR

RENE TRAS

ROBERTO C

SHY

VICTOR GUCELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with