Mag-asawa binoga ni kumpare

Karit ni kamatayan ang sumalubong sa isang misis habang grabe namang nasugatan ang mister nito makaraang pagbabarilin ng kanilang kumpare sa Ba­rangay Bungdo sa bayan ng San Benito, Surigao del Norte kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Del Carmen Hospital si Melony Sumando habang ginagamot naman si  Ba­rangay Councilor Julie Su­mando, 41. 

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Leonardo “Loloy” Escripolo, 31.

Batay sa police report, naganap ang pamamas­lang habang nag-iinuman ng alak ang mag-asawa sa kanilang tahanan kasama ang suspek.

Napag-alamang nairita ang suspek sa tinuran ng mag-asawa kaya nagma­ma­daling umalis at nang bu­malik ay isinagawa ang pamamaslang. Joy Cantos

Show comments