^

Probinsiya

Trader itinumba sa munisipyo

-

BATANGAS – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyante ng ‘di-pa kilalang lalaking nakamotorsiklo sa harap ng munisipyo sa bayan ng San Jose, Batangas kahapon ng hapon. Kinilala ni P/Senior Supt. Christopher Gatchalian, Batangas police director, ang biktimang si Pablito “Amboy” Sales ng Barangay Dagatan sa nabanggit na bayan. Base sa police report, naglalakad si Sales, kasama ang apat na kaibigan sa kahabaan ng Makalintal Avenue sa panulukan ng J.A. De Villa Street, Poblacion nang biglang hintuan at ratratin ng maskaradong lalaki bandang ala-una ng hapon. Napuruhan ng bala ng baril sa mukha, dibdib at likuran ang biktimang magbabaka bago tumakas ang gunman sa direksyon ng bayan ng Ibaan. Inaalam pa rin ng mga im­bestigador ang naging motibo ng pamamaslang. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

AMBOY

ARNELL OZAETA

BARANGAY DAGATAN

BATANGAS

CHRISTOPHER GATCHALIAN

DE VILLA STREET

IBAAN

MAKALINTAL AVENUE

SAN JOSE

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with