'GRO' kinatay sa apartment

CAPIZ – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang babae na sinasabing namamasukan bilang guest relation officer (GRO) makaraang pagsasaksakin ng ‘di-kilalang lalaki sa inuupahan nitong apartment sa Santos Bldg, Rizal Street, Roxas City, Capiz, kahapon ng madaling-araw. Nagtamo ng 19 na saksak ng patalim ang biktimang si Jeneth R. Vangeles, 21, naninirahan sa bayan ng Jamindan, Capiz at pinaniniwalaang entertainer ng Aldin’s KTV Bar sa Inzo Arnaldo Village  sa nabanggit ng lungsod. Sa inisyal na ulat ng pulisya, rumesponde ang mga tauhan ni P/Chief Insp. Leo Batiles magtapos na makatanggap ng im­pormasyon kaugnay sa pagpatay sa biktima bandang alas-2 ng madaling-araw. Natagpuan ang bangkay ng biktima sa hagdanan ng apartment na tinutuluyan nito. Kasa­lu­kuyang iniimbestigahan ng pulisya ang syota ng biktima kung may kaugnayan sa naganap na krimen.Verna Belarmino at Joy Cantos

Show comments