10 Badjao nalason sa tahong

LUCENA CITY— May 10 Badjao ang isinugod sa ospital makaraang kumain ng konta­minadong tahong sa lungsod na ito kama­kalawa ng gabi.

Isang doktor ng Quezon Medical Center na tumang­ging magpabanggit ng pa­ngalan ang kumilala sa walo sa mga pasyente na sina Alvin Jalmaani, 10; Fe­­li­sa Ger­mani, 45; Liza Jalmaani, 7; Jo­lina Ma­a­del, 7, pawang residente ng Barangay Barra; Ana Amor, 44; Sondie, 17, Cristina, 25, at Lariya, 65, pawang may apelyi­dong Majunad, at nanini­rahan sa Barangay Dalahi­can. Ang dalawang iba pa ay maayos na ang kala­gayan at naka­labas na ng pagamutan.

Napag-alaman sa pa­ngunang pagsisiyasat na iniulam ng mga biktima sa ka­nilang hapunan ang naturang mga tahong. Pagkalipas ng ilang sandali ay nangahilo na sila at nagsusuka.

Nabili umano ng mga bik­tima ang mga tahong sa fishport at umano’y nag­mula sa Cavite at Bicol.

Upang makaiwas sa po­sibleng pagkalat ng sakit, minabuti umano ng mga barangay officials sa lugar na ipatigil muna ang pagti­tinda ng tahong. Sinabihan din ang mga residente sa lugar na huwag na munang bumili ng tahong. (Tony Sandoval)

Show comments