Karnaper tumumba sa barilan

Isang pinaghihinalaang miyembro ng big-time Valle Verde carnapping gang ang namatay nang maki­pagbarilan sa mga ele­mento ng Highway Patrol Group-Region 3 sa Bo­caue, Bulacan kama­ka­lawa ng hapon.

 Kinilala ni Philippine National Police- HPG Chief P/Director Perfecto Palad ang suspek na si Victor Guinto ng Baliuag, Bula­can.

 Ayon kay Palad, naka­sagupa ng mga operatiba ng HPG Region 3 sa pa­mumuno ni Sr. Supt. Fer­nando Villanueva ang sus­pek at ibang mga kasama­han nito sa bisinidad ng Mc Arthur highway, Brgy. Bi­ñan 1st, Bocaue pasado alas-3:00 ng hapon.

 Sinabi ni Palad na sina Guinto ay mula sa grupo ni Raymond Dominguez, lider ng notoryus na Valle Verde carnapping gang na akti­bong kumikilos sa Metro Manila at mga karatig lugar.

 Nabatid na naharang ng HPG Region 3 operatives ang isang ­Toyota Hi Lux na may plalang ZKW 467 kung saan ay agad na pinaputukan ng mga arma­dong suspek ang mga pulis na nauwi sa pagba­barilan ng magkabilang panig hanggang mapatay si Guinto. (Joy Cantos at Dino Balabo)

Show comments