MILF ambush: 2 bata utas

Kidapawan City – Da­lawa-katao ang iniulat na nasawi habang limang ka­ba­taan naman ang nasu­ga­tan makaraang ratratin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang multicab na sinasakyan ng mga biktima sa Brgy. Langa­yen sa ba­yan ng Pikit, North Cota­bato, kahapon.

Kabilang sa namatay ay sina Osang Ungkay, anak ni Councilor Norodin Ungkay at Aida Musa, 8, kapwa na­ni­nirahan sa Brgy. Dung­guan at kapwa grade 4.

Kinilala ni P/Insp. Elias Dandan, police chief ng Pikit, ang mga biktimang sugatan at naisugod sa Cotabato Re­gional Medical Center ay sina Fahad Ung­kay, 16; Umba Musa, 10; Emran Musa, 15; Mamalia Noh, 18; at si Long­long Zainah, 19, drayber ng mul­ticab.

Ang mga batang nasawi at nasugatan ay pawang mag-aaral sa Lagundi Elementary School at Lagundi National High School.

Sa inisyal na pagsi­siyasat ng pulisya, lumilitaw na patungo sa Brgy. La­gundi ang kulay asul na multicab (YAS871) na pag-aari ni Councilor Norodin Ungkay mula sa Brgy. Dung­guan para kunin sana ang alagang baka.

Napag-alamang naki­ang­­kas lamang ang mga bik­ti­mang kabataan sa mul­ticab patungo sa eskuwe­lahan nang tambangan ng mga rebeldeng nakaposis­yon sa gilid ng kalsada.

Base sa tradisyon, ang unang araw ng pasukan sa eskuwelahan ay Linggo at kada Biyernes ay araw ng samba kaya walang pasok sa paaralan.

Ayon sa pulisya, posib­leng target ng mga rebelde si Councilor Ungkay na inakalang lulan ng multi­ cab.

Show comments