Sekyu tinodas ng kabaro

ANTIPOLO CITY – Patay ang isang 51-anyos na security guard makaraang barilin ng kanyang kabaro dahil sa pagtatalo sa oras ng kanilang duty kahapon ng madaling-araw sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal. Napuruhan ng mga bala ng shotgun sa likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Carlito Amaneo ng Philippine Air Hawk Security Agency at nakatalaga sa Vista Grande Heights sa nabanggit na barangay. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Amado Sotto. Sa ulat ng pulisya, nagtalo ang da­lawa na kapwa lango sa alak sa loob ng kanilang barracks hinggil sa oras ng kanilang duty sa nasabing subdibisyon hanggang sa maganap ang pamamas­lang. (Edwin Balasa)

Show comments