Palengke nasunog
November 8, 2008 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Tinatayang P100 milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang natupok matapos na lamunin ng malakas na apoy ang Naga City Market na umabot ng 10 oras bago ito naapula kahapon ng umaga. Batay sa ulat, ang sunog ay nagsimula dakong alas-11:00 ng gabi kamakalawa sa ikalawang palapag ng palengke na kung saan mabilis na kumalat ito hanggang sa inabot ang ilang bahagi ng ikatlong palapag.
Hindi pa mabatid ang pinagmulan ng sunog hanggang sa isinusulat ito. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended