Foreman ng munisipyo kinidnap

Dinukot ng isang arma­dong lalaki ang foreman ng Masiu, Lanao del Sur sa ba­yang ito kamakalawa ng umaga.

 Kinilala ang biktima na si Claudio Mutia, 71-anyos, re­sidente ng Bacolod, La­nao del Norte.

 Batay sa report ng Police Regional Office ng Autonomous Region in Muslim Min­danao, dinukot ang bik­tima sa Barangay Ma­com­para Apa Mimbalay, Masiu ng lalawigang ito da­kong alas-6:00 ng umaga.

 Agad namang natukoy base sa testimonya ng mga testigo na si Olawao Mim­bantas, 35-anyos at resi­dente ng Barangay Buadia­rangca ng nasabing mu­nisipalidad ang respon­sable sa pagkid­nap sa biktima.

Ang biktima ay tinangay ng suspect sa Brgy. Colo­yan, Butig, Lanao del Sur na sina­sabing pinagtata­guan dito.

Pinaniniwalaan namang hindi ito isang kaso ng kidnap for ransom manapa’y bahagi lamang ng vendetta o paghi­higanti ng suspek sa biktima. (Joy Cantos)

Show comments