Lolo nabagsakan ng bus
CAVITE — Hindi na nagising sa pagkakatulog ang isang 78-anyos na lolo makaraang mabagsakan ng pampasaherong bus na ikinasugat ng 16 iba pa sa Brgy. Marulas, Kawit, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Naisugod pa sa Divine Mercy General Hospital subalit namatay rin si June Magtawas, habang sugatan naman sina Ariel Guadalupe, Leonisa de Leon, Christina Biazon, Christopher dela Peña, Danilo Moscera, Kenneth Olverio, Jaime Castillo, Jeffrey Ubaldo, Jomer Punongbayan, Isagani Patul, Leah Demetria, Emmanuel Espiritu, Nicanor Francisco, Jeffrey Rodoro, Enrico Palwis, at si Leilani Pascua. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nakipagkarera ang Jethro Liner Bus (DXR-121) na minamaneho ni Guadalupe sa isa pang bus sa kahabaan ng Marulas Village nang mawalan ng kontrol at mahulog sa may 30 lalim na creek kung saan ang bahay ng biktima ay nabagsakan. Cristina Timbang
- Latest
- Trending