^

Probinsiya

1 NPA patay, 2 CAFGU sugatan sa engkuwentro

-

Isang miyembro ng New People’s Army ang nasawi sa lalawigan ng Sorsogon habang dalawang tauhan ng Citizens’ Armed Forces Geographical Unit naman ang sugatan sa isa pa ring eng­kuwentro sa mga re­beldeng komunista sa Su­rigao del Sur kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Kampo Aguinaldo, patuloy pang kinikilala ng Philippine Army ang pagkakaki­lanlan sa nasawing rebelde ha­bang narekober ang isang M-203 grenade launcher.

Naganap ang engku­wentro sa may Casiguran, Sorsogon. Nagpa­patrulya ang mga tauhan ng 8th Scout Ranger Company nang makasagupa ang may 15 rebelde. Tumagal ang sagupaan nang 20 minuto hanggang sa ma­pilitang umatras ang mga rebelde.

Sa ulat naman ng Camp Crame, dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon nang salakayin ng may 10 rebelde ang detachment ng CAFGU sa may Barangay Mararag, Marihatag, Suri­gao del Sur.

Sugatan dito ang mga Cafgu na sina Herardo Mar­tecion at Manuel Aru na kapwa nilalapatan ng lunas sa pagamutan. Bigo na­man ang mga rebel­de na ma­tangay ang mga baril at bala sa detachment dahil sa pag­tatanggol ng mga Cafgu.

Samantala, isa pang tower ng Transco ang pi­nasabog ng mga hindi na­kilalang lalaki sa Bukidnon. kamakalawa ng madaling-araw. Ayon kay Eastern Mindanao Command Spokesman Major Randolf Cabangbang, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang pasabugin ang Transco tower no. 222 sa Barangay Panadtalan sa bayan ng Maramag. (Danilo Garcia at Ed Casulla)

ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

BARANGAY MARARAG

BARANGAY PANADTALAN

CAFGU

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

EASTERN MINDANAO COMMAND SPOKESMAN MAJOR RANDOLF CABANGBANG

ED CASULLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with