^

Probinsiya

Maid todas sa 'cocktail drug'

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE – Kasaluku­yang iniimbestigahan ng pulisya ang pagpa­pati­wa­kal ng isang 18-anyos na katulong sa pamamagitan ng pag-inom ng sari-saring gamot sa loob ng kanyang kuwarto sa ba­hay ng kan­yang amo sa Imus sa lala­wigang ito kahapon.

Patay na nang maisu­god sa Our Lady of Pillars hospital ang biktimang si Jenalyn Cabigan, dalaga at stay-in housemaid sa Legion Subdivision, B-10 L-13 Barangay Bu­candala 3 sa Imus.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jessie Avila, dakong alas-10:30 ng umaga nang isugod ni Ernesto Soriano Sama­niaga, amo ni Cabi­gan, ang biktima matapos na makitang bumubula ang bibig nito.

Napag-alaman ng pu­lisya na uminom umano ng iba’t ibang klase ng gamot ang bik­tima tulad ng dala­wang pi­ra­song sodium, apat na me­fenamic acid at 10 pirasong ferrous sulfate ang dalaga.

Huling nakitang buhay ang biktima na malungkot, hindi umano nagkikikibo at parang walang kasigla-sigla.

Matapos maglinis ng ba­ hay ay pumasok na sa loob ng kanyang quarter si Ca­bi­gan at dito na siya nabu­nga­ran ng tawagin ng ka­sam­bahay na naghihi­ngalo dahil sa dami ng ini­nom na gamot.

 Iniimbestigahan pa ang nasabing insidente ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo ng pagpapati­wa­kal ng biktima at ina­alam din kung may foul play sa gina­wang pagpapa­ka­matay nito.

vuukle comment

BARANGAY BU

CABI

ERNESTO SORIANO SAMA

HULING

INIIMBESTIGAHAN

JENALYN CABIGAN

JESSIE AVILA

LEGION SUBDIVISION

OUR LADY OF PILLARS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with