Pastor itinumba

Isang 37-anyos na pastor ng Adventist Church ang iniulat na napaslang sa bisinidad ng Barangay Concep­cion sa bayan ng Del Pilar, Ilocos Sur noong Biyernes ng gabi. Ang biktima na sinasabing nasuspinde bilang principal sa Concepcion Adventist Academy dahil sa ‘di-pag-liquidate ng pondo ng eskuwelahan ay nakilalang si Dickson Uggay. Sa ulat ng provincial police director na si P/Senior Supt. Virgilio Fabros, pinagbabaril ang biktima ng ‘di-pa kilalang lalaki. Maliban sa kaso sa eskuwelahan, ang biktima ay sinasabing may nakaaway  kaugnay ng lupain ibinebenta nito. (Joy Cantos)

Show comments