Anim-katao ang iniulat na nasawi kabilang ang isang law student ng Ateneo habang aabot naman 50 iba pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang pampasaherong bus at kotse sa isa na namang trahedya sa ka habaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bayan ng Dau, Pampanga kahapon ng umaga.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, sinabi ni P/Senior Supt. Fernando Villanueva, hepe ng Highway Patrol Group 3 na kabilang sa mga nasawi ay si Ruth Dyan Ferrer, law student ng Ateneo Professional School Library base sa nakuhang identification card.
Si Ferrer ay sakay ng Toyota Revo (XHE 829) na may banyagang drayber na namatay rin sa insidente at kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan.
Ang apat na namatay na kabilang ang drayber ng bus ay bineberipika pa ang pagkikilanlan habang ang mga sugatang pasahero ng bus ay nasa Dau District Hospital at San Rafael Hospital sa Angeles City.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na patungong northbound ang Fermina Bus (NYN 688) na minamaneho ni Bernardo Santos ng Mangaldan, Pangasinan na may lulang 62 pasahero nang magkaproblema sa makina.
Bunga nito ay tuluy-tuloy na gumiray pakaliwa sa southbound lane ng NLEX ang bus kaya nasalpok ang kasalubong na Toyota Revo na sinasakyan ni Ferrer ha bang bumaligtad naman ang nasabing bus. (Joy Cantos)