^

Probinsiya

Koreano talo sa casino, nagbigti

-

ANGELES CITY, Pam­pan­ga — Pinaniniwalaang   pag­­katalo sa casino kaya nag­bigti ang isang Korea­no sa loob ng inuupahan nitong kuwarto sa Fontana Leisure Park, Clark Free­port sa Angeles City, Pam­panga, ayon sa ulat ka­hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Pierre Bucsit, officer-in-charge ng Angeles City PNP, ang biktima na si Kim Byung Ki.

Ayon kay Bucsit, ang pagpapatiwakal ng biktima ay nadiskubre ni Benedicto Luna, stay-in-cook sa loob ng Villa # 4609 sa nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, ang bik­tima na mula sa Seoul, Korea ay dumating sa ban­sa ka­sama ang misis nito may tatlong linggo na ang na­ka­kalipas. 

Napag-alamang bu­ma­lik na sa Korea ang mi­sis ng biktima may ilang araw na ang nakalipas.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, simula nang du­mating sa bansa si Kim ay palagi itong nagsusugal sa Fontana Casino.

Isang nagngangalang Michael Ong, casino financier ang nagsabi na si Kim ay nangutang ng P2.1 mil­yon kung saan natalo sa su­gal at problema nito kung paano baba­yaran.

Ipinaliwanag naman ni Ong na darating ang asawa ng biktima para bayaran ang pagkakautang nito. Ric Sap­nu at Joy Cantos

vuukle comment

ANGELES CITY

BENEDICTO LUNA

CLARK FREE

FONTANA CASINO

FONTANA LEISURE PARK

JOY CANTOS

KIM BYUNG KI

MICHAEL ONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with