^

Probinsiya

2 anak ng DTI exec dedo sa road mishap

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Mas napaaga ang salubong ni kamatayan kaysa sa Undas sa dalawang anak na babae ng regio­nal director ng Depart­ment of Trade and Industry (DTI) na grabe namang nasugatan sa naganap na road mishap kahapon ng mada­ling-araw sa bayan ng San Jose, Occidental Min­doro.

Kinilala ang mag-utol na sina Joelle Domi­nique Valera, 20, ba­gong gra­ duate sa Uni­versity of the Philippines (UP) Diliman, Quezon City at Joelle Cecilia, 18, kapwa es­tud­yante ng University of the Phils. (UP Dili­man) sa Que­zon City.

Ginagamot naman sa San Jose Hospital, ang sugatang si Joel Valera, 51, regional di­rector ng DTI sa Min­doro, Marindu­que, Rom­blon at Pala­wan at pa­wang mga residente ng Gomez Village, Brgy. Pag-asa, San Jose, Occidental Mindoro.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Luisito Palmera, naganap ang trahedya sa West Coast Highway ng Barangay Bu­bog dakong alas-12:20 ng madaling-araw.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, bumabagtas ang mag-aama sakay ng Nissan Terrano (RAN-377) mula sa Maynila sa nasabing highway nang masal­pok ito ng kasa­ lubong na truck ni Lean­dro Giron.

Napag-alamang pa­uwi na ang mag-aama sa kanilang bahay sa bayan ng San Jose para guni­tain ang nala­lapit na Un­das nang makasa­lubong si ka­ma­tayan. Arestado na­man ang drayber ng truck na na­haharap sa kasong kri­minal. (Arnell Ozaeta at Joy Cantos)

ARNELL OZAETA

BARANGAY BU

CHIEF SUPT

GOMEZ VILLAGE

JOEL VALERA

JOELLE CECILIA

JOELLE DOMI

JOY CANTOS

SAN JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with