^

Probinsiya

7 preso itinakas ng NPA

-

CAMP GUILLERMO NAKAR, Lucena City – Aabot sa pitong preso ang itinakas ng mga rebeldeng New People’s Army sa naganap na pag­salakay sa Quezon Provicial Jail noong Sa­bado ng gabi.

Ayon kay Captain Lea Santiago, Southern Luzon Command (Sol­com) Public Information Officer, pawang naka­suot ng kulay itim na t-shirt na may tatak na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP-SWAT markings, nilusob ng mga rebelde ang provincial jail at iki­nulong ang mga guwar­diya matapos madisar­mahan bandang alas-6:15 ng gabi.

Kabilang sa mga pre­song naitakas ay sina Gemma Carag, secretary ng Kilusang Lara­ngan Guerilla (KLG) 42; Cecilia Mondia, Gru­pong Pang-organisa (GP), KLG 42; Noel Santos, secretary ng KLG general headquarters; Gerson Carabio, platoon leader ng Sentro De Grabidad ng KLG 42; Fernando Tawagon, platoon leader ng AKL Plager; Arnold Valencia, miyembro ng Sandata­hang Yunit Propaganda (SYP), Komitee sa Platoon (KSPN) at si Ro­gelio Monteverda, na nahaharap sa kasong murder at inaalam pa kung bakit siya isinama ng mga rebelde sa pag­takas.

Sakay ng apat na van at armado ng mata­taas na kalibre ng baril kabilang na ang M-60 machine gun, nilusob at naitakas ng mga rebelde ang mga preso na tu­ma­gal lamang ng 10-minuto bago nagsitakas sa ibat-ibang direksyon.

Natangay rin ng mga rebelde ang limang baril, shotgun at isang hand­held radio mula sa mga jailguards at sa guwar­dya ng capitol building security na sina Ronaldo Llose at Abner Ramos.

Mabilis namang nag­sagawa ng blocking operation ang mga aw­toridad hanggang sa maharang ang mga ito sa checkpoint sa Ba­rangay Iyam sa Lucena City.

Subalit, imbes na huminto, naghagis pa ng granada ang mga re­belde na ikinasugat nina SPO1 Florencio En­vase, PO1 Darwin Japor at ang dalawang sibil­yang sina Daryl Javier, 12; at Marlon Santos na naisugod naman sa Mt. Carmel General Hospital.

Narekober naman ang  mga sasakyang KIA Pregio (WCR-121), Mitsubishi L300 van (WJA-369), Hyundai saloon na may plakang WSM-627 at motorsiklo.

Napag-alamang sini­bak na ni Quezon Governor Rafael Nantes sina provincial warden Supt. Archimedes Mortiz at ang deputy warden Ma­ximo Manalo, na sina­sabing nag-seminar sa Maynila kasama ang iba pang tauhan nito. (Dag­dag ulat nina Ed Amo­roso at Danilo Garcia)

ABNER RAMOS

ARCHIMEDES MORTIZ

ARNOLD VALENCIA

CAPTAIN LEA SANTIAGO

CECILIA MONDIA

DANILO GARCIA

DARWIN JAPOR

LUCENA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with