Shabu lab uli ni-raid

LEGAZPI CITY, Albay – Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng malaking sindikato ng ba­wal na gamot ang naaresto makaraang isa na na­mang bodega na ginawang shabu laboratory ang sina­lakay ng mga awtoridad kahapon ng umaga sa bisinidad ng Aurora Bldg. sa Purok 6, Barangay Bar­riada, Legaz­pi City, Albay. Pormal na iniimbes­tigahan ng pulisya ang mga suspek na sina Jing Yong Sung, Taiwanese; Noli Reyes, Ricky Tan at Robert Reyes. Ayon kay P/Senior Supt. Joel Baloro, ni-raid ang nasabing lugar sa bisa ng search warrant na ipina­labas ni Executive Judge Mamerto Buban ng Tabaco City Regional Trial Court. Nakumpiska ang 3 kilong kemikal na ginagamit sa pag­gawa ng shabu, at ilan pang mga gamit. May teorya ang mga awtoridad na may kaugnayan ang nasabing lugar sa apartment na ginawang shabu lab na sinalakay rin ng pulisya sa Brgy. San Juan sa Iriga City noong nakalipas na araw. (Ed Casulla)

Show comments