BASUD, CAMARINES NORTE – Libu-libong residente buhat sa mga karatig lalawigan ng Camarines Norte ang nakatakdang dumating ngayong araw na ito kaugnay sa pinakamakulay na selebrasyon ng kauna-unahang pagdiriwang ng RAHUGAN Festival sa bayan ng Basud kasabay ng ika-99 na pagkakatatag ng nasabing bayan. Pinangunahan ni Mayor Silverio G. Quiñones lll ang makulay na pagdiriwang ng pestibal. (Francis Elevado)