2 divers sugatan

Dalawang diver na kabilang sa nagsasagawa ng salvage operation sa barkong M/V Ocean Papa na lumubog noong Hunyo ang nasugatan nang aksidenteng sumabog ang engine room ng naturang barko sa karagatan ng Culasi, Antique, kamakalawa.

Ang mga nasugatang biktima na kinilalang sina Rodolfo Lazaro, 27-anyos, at Primitivo Morales, 65, ay kapwa nilalapatan na ng lunas sa isang pribadong hospital sa Kalibo, Aklan. Kabilang sina Lazaro at Morales sa 12 divers na sumisisid sa karagatan ng Antique para sa pag-salvage sa barko.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na ang paggamit ng mga ito ng mga electrical equipment ang naging sanhi ng pag-pagsabog dahil sa air pressure at fume na nabuo sa engine room ng barko. (Joy Cantos)

Show comments