Guro tinangkang halayin, ginilitan

SAN NICOLAS, Panga­sinan – Nakaligtas sa karit ni kamatayan ang isang mesti­sahing kindergarten teacher na tinangkang hala­yin saka giniltan ng ‘di-pa ki­lalang lalaki sa liblib na ba­hagi ng Ba­rangay Pobla­cion East sa bayan ng San Nicolas, Panga­sinan noong Linggo ng hapon.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Mike Daskeo, town police chief, nag-iisang naglala­kad ang biktimang si Daisy Mejia, 20, nang harangin at tangkang halayin ng ‘di-pa kilalang lalaki.

Pumalag at nagsisigaw ang biktima kaya ginilitan ang biktima saka pinag­papalo ng kahoy sa mukha bago iniwang duguang sa pag-aakalang napatay siya.

Nailigtas at nadala na­man ang biktima matapos mama­taan ng isang resi­dente na napadako sa nasabing lugar.

Ayon kay Daskeo, nasa ligtas na kalagayan na ang biktima sa Dagupan City at ka­salukuyang ipinakikita sa bik­tima ang ilang larawan ng mga magsasaka na posibleng sus­pek sa kri­men. (Eva Visperas)

Show comments