^

Probinsiya

Nursing student tinodas ng rapist

-

Brutal ang sinapit ng isang nursing student mata­pos itong gahasain at pas­langin ng hindi pa nakilalang mga sa­­larin na hinihinalang ba­ngag sa droga sa lungsod ng Baguio, ayon sa ulat kaha­pon.

Positibong kinilala kaha­pon ng umaga ng kaniyang amang si Calito Baronable sa pune­rar­ya ang biktimang si Chezca Ba­ronable, 17 anyos. Batay sa re­port ng Baguio City Police, ang bang­kay ng biktima ay na­tag­puan dakong alas-8:00 ng umaga kahapon sa ma­da­mong bahagi ng Ba­rangay Balacbac ng lungsod na ito.

Nabatid na nitong Biyer­nes ay nagpaalam pa ang bik­tima sa kaniyang ama para sa kani­yang eksami­nasyon sa pinapa­sukang unibersidad sa lungsod kaya maaga itong umalis sa kanilang tahanan.

Labis umanong nag-alala ang mga magulang ng bik­ti­ma matapos na mabigo itong umu­wi ng kanilang ta­hanan sa buong magdamag kaya hina­nap nila ang da­laga.

Ang nasabing paghaha­nap at labis na pag-aalala ay naging masaklap na bangu­ngot mata­pos na human­tong ang pamilya ng biktima sa pu­nerarya at bangkay na itong matagpuan.

Batay sa report ni P/ Supt. Jaime Rodrigo Lial, medico legal officer ng Police Regional Office-Cordillera Crime La­boratory, ang bik­tima ay po­siti­­bong gina­hasa at nag­tamo pa ng mga pasa sa ulo at ibang ba­hagi ng kanyang ka­tawan na in­dikasyon isa hanggang tatlo ang salarin na wala sa sari­ling katinuan o posibleng mga adik ang may kagaga­wan.

Sinabi ni Lial na ang san­hi ng pagkamatay ng biktima ay posibleng tinakpan ng mga salarin ang kanyang ilong at bu­nganga kaya hindi na ito naka­hinga saka halin­hinan itong ginahasa. (Joy Cantos)

vuukle comment

BAGUIO CITY POLICE

BALACBAC

BATAY

BIYER

CALITO BARONABLE

CHEZCA BA

JAIME RODRIGO LIAL

JOY CANTOS

POLICE REGIONAL OFFICE-CORDILLERA CRIME LA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with