^

Probinsiya

Puri kapalit ng passing grades

- Ni Boy Cruz -

OBANDO, Bulacan – Isang 31-anyos na guro sa Obando National High School sa bayang ito ang inaresto ng pulisya kama­kalawa ng gabi dahil sa apat na beses na pang­ga­gahasa niya sa isa niyang estudyanteng babae.

Kinilala ni Insp. Dale Soliba, Hepe ng Obando Police, ang suspek na si Macarthur Narit, 31, may-asawa.

Nagharap ng reklamo laban kay Narit ang isa niyang estudyanteng ba­bae sa fourth year sa na­turang paaralan.

Ayon sa salaysay ng biktimang itinago sa alyas na Rose, 14-anyos, una siyang hinalay ni Narit noong Agosto 8 ng taong kasalukuyan nang tawagin siya nito at sabihan siya na sumama rito upang pag-usapan kung bakit hindi siya makakapasa sa kan­ yang klase.

Sumama ang biktima sa kanyang teacher ngunit laking gulat nito ng ang pinuntahan pala nila ay isang hotel sa Marilao, Bulacan kung saan siya ay tinakot na ibabagsak sa kanyang mga subject ka­pag hindi ito nakipagtalik sa kanya.

Dahil sa takot, wala umanong nagawa si Rose sa kahalayan at pagsa­samantalang ginagawa sa kanya ng kanyang guro.

Apat na beses pa uma­nong naulit ang pangha­halay kay Rose sa iba’t-ibang lugar sa kanilang paaralan.

Dahil hindi na masik­mura ng biktima ang gina­gawa sa kanya ay napilitan na itong magsumbong sa kanyang kaklase na sina­mahan siya sa kanilang class adviser na isinalay­say ang nangyari sa magu­lang ni Rose.

Nabatid din na sapili­tang pinapainom ng Cortal tablets si Rose ng kanyang guro sa tuwing siya’y haha­layin nito.

Ayon kay Soliba, sinam­pahan na ng 5 counts ng rape si Narit na ngayo’y nakapiit sa loob ng Obando Municipal Jail.

vuukle comment

AYON

BULACAN

DAHIL

DALE SOLIBA

MACARTHUR NARIT

NARIT

OBANDO MUNICIPAL JAIL

OBANDO NATIONAL HIGH SCHOOL

OBANDO POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with