^

Probinsiya

8 obrerong minaltrato, naisalba

-

CAMP VICENTE LIM, La­guna  – Walong kalala­kihan na pinaniniwalaang minaltrato ng abusadong amo ang si­nagip ng mga tauhan ng Cri­minal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isina­gawang ope­rasyon sa bayan ng Laurel at Talisay sa Ba­tangas ka­hapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Christopher Laxa, hepe ng CIDG Region 4-A, ang mga biktima na sina Danilo Sa­bia­te, 18; Edmundo Pacula­nang, 22; Glen Pantallano, 18; Mar­lon Gaco, 18; Marlon Rimullo, 21; Gerry Pacula­nang, 28; Joseph Coronel, 23; at si Joseph Mangubat na pawang mga residente ng Zam­boanga.

Ayon sa ulat, sinalakay ang palaisdaan ni Vicente Encarnacion sa Brgy. Leviste sa bayan ng Laurel at Brgy. Balantoc sa bayan ng Talisay matapos magreklamo ang mga magulang ng walo dahil sa di-makataong kondisyon ng mga manggagawa sa nasa­bing lugar.

Ayon sa mga biktimang tra­bahador ni Encarnacion, hindi sila pinakakain sa oras, hindi pinasasahod at bina­bantaan pang papatayin ka­pag tumakas sa kanilang trabaho.

Sa pangunguna ni P/Senior Insp. Benjie Calapiz ng CIDG-Batangas, inaresto si En­carnacion bandang alas-5 ng umaga at nakatakdang sampahan ng kasong pagla­bag sa Republic Act 9208 o anti-trafficking in persons. Isinailalim naman sa medical check-up ang mga nasagip na trabahador . Arnell Ozae­ta at Ed Amoroso  

ARNELL OZAE

AYON

BENJIE CALAPIZ

BRGY

CHRISTOPHER LAXA

DANILO SA

ED AMOROSO

EDMUNDO PACULA

GERRY PACULA

GLEN PANTALLANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with