2 arestado sa 3,600 valium

Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang nagpa­pa­kalat ng iligal na droga ang ina­resto ng mga aw­toridad makaraang ma­kum­piskahan ng 3, 600 tabletang (valium) diazepam sa university belt ng Angeles City, Pampanga, ayon sa ulat kahapon.

Iprinisinta kahapon ni Director General Dionisio San­tiago Jr. ng Phil Drug En­forcement Agency (PDEA), ang mga suspek na sina John Raymund Lingat, 25, ng Lourdes Heights Subd., Del Rosario, San Fernando City, Pampanga at Terrence Dio­nisio, 20, ng San Fer­nando Subd., San Fernando City.

Sa interogasyon, inamin ng mga suspek na nagmula sa Pakistan ang nakum­piskang iligal na droga na nagiging kapalit na ngayon ng pinatuyong dahon ng marijuana dahil sa halos may parehong epekto rin at mas murang nabibili sa P13 kada tableta.

Kinumpirma rin ni San­tiago na may sangkot na inter­nasyunal na sindikato ang pagpapakalat ng valium sa bansa na madaling ilusot kaysa sa mas kilalang droga tulad ng cocaine at heroin. Danilo Garcia

Show comments