Inalerto kahapon ng Regional Disaster Coordinating Council (RDCC) ang 320 barangay sa Davao Region bilang mga landslide prone areas. Ayon sa chairman ng RDCC-X1 na si P/Chief Supt. Andres Caro II, ang panawagan ay ibinase sa assessment ng Mines and Geo Sciences Bureau X1.
Sa nasabing mga lugar, sinabi ni Caro, lumilitaw na 23-purok ay pawang may matinding banta ng landslide.
Samantala, ikinategorya naman ang 23 lugar sa Davao Oriental at Compostela Valley na may mas mataas na banta ng landslide. Kabilang sa may mataas nabanta ng landslide sa Davao Oriental ay ang mga Barangay San Pedro at Sobrecarey sa Caraga, Tubaon sa Tarragona, Mayo, Danao, Dawan, Mamali at Macambol sa Mati City, Bitaugan sa San Isidro, Calapagan sa Lupon; at sa Punta Linao sa Banaybanay.
Sa Compostela Valley ay ang mga Brgy. Libaylibay, New Leyte, Panaraon, New Barili, Masara, Tagbaros, Elizalde, Panangan sa bayan ng Maco, Tuburan sa Mawab, Mt. Diwata sa Monkayo, Canidkid at New Cebulan sa Montevista.