^

Probinsiya

Bus vs bike: Mag-asawa, anak utas

-

LEGAZPI CITY, Albay — Magkakasunod na kinarit ni kamatayan ang mag-asawa at anak nilang lalaki makaraang masalpok ng pampasaherong bus ang motorsiklo ng tatlo sa highway ng Barangay Occidental sa bayan ng Polangui, Albay kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga biktimang naisugod pa sa Isip General Hospital subalit namatay din ay sina Pfc Lenard Lo­zano, 24; Alma Lozano, 24 at Laurence Lozano, 2. Na­aresto naman ng pulisya ang drayber ng Philtranco Bus Liner (EVK 176) na si Pepe Alferes, 36, ng Brgy. Pitogo, Quezon. Base sa police report, papauwi na ang mga biktima mula sa isang okasyon sakay ng mo­torsiklo (EQ-9595) nang salubungin ni kamatayan ban­dang ala-1:15 ng hapon. (Ed Casulla)

Napatay dahil sa PSP

ANTIPOLO CITY — Napaaga ang salubong ni ka­ma­tayan sa isang 20-anyos na lalaki makaraang saksakin ng isa sa dalawang nang-agaw ng kanyang play station sa La Colina Subd. sa Brgy. Mambugan, Antipolo City, Rizal kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mar Gerard Requinto, samantalang na­aresto naman ang isa sa dalawang suspek na si Joseph Padayao,18, ng Purok Maligaya ng nabanggit na barangay. Base sa police report, naglalaro ang biktima ng play station portable (PSP) sa harapan ng kanilang bahay kasama ang kaibigang si Yvette Urgelles nang lapitan at agawin ang laruan ng una. Pumalag ang bik­tima kaya inundayan siya ng patalim sa dibdib ni Pa­dayao. Kinuyog naman ng ilang residente si Padayao kaya nasakote habang nakatakas ang kanyang kasamahan. (Edwin Balasa)

Makikipaglamay, paglalamayan din

BOCAUE, Bulacan— Makikipaglamay sana ang isang 34-anyos na lalaki sa kanyang tatay na yumao nang barilin at mapaslang ng ‘di pa kilalang lalaki sa loob ng pampasaherong bus sa bayan ng Donya Remedios Trinidad, Bulacan kamakalawa. Dalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Dante Lazalita na miyembro ng Citizen Armed Geographical Unit (Cafgu) at residente ng Brgy. Pulong Sampaloc sa na­banggit na bayan. Base sa policed report, nakasakay ng Del Carmen bus (PXW 933), ang biktima, kasama ang kanyang pamangking babae nang lapitan at barilin ng nag-iisang lalaki. Nagkagulo sa loob ng bus habang nagmamadaling bumaba ang killer saka sumakay sa naghihintay na motorsiklo. Napag-ala­mang patungo sa Bicol ang dalawa para maki­paglamay sa yumaong ama ng biktima nang maganap ang krimen. (Dino Balabo)

vuukle comment

ALBAY

ALMA LOZANO

ANTIPOLO CITY

BARANGAY OCCIDENTAL

BRGY

BULACAN

CITIZEN ARMED GEOGRAPHICAL UNIT

DANTE LAZALITA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with