^

Probinsiya

Negosyante at 'kristo' niratrat sa sabungan

-

Lipa City – Dala­wang katao kabilang na ang kilalang negos­yante ang napatay sa­mantalang sugatan na­man ang isa pa nang pagbabarilin sila ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob mismo ng isang sabungan sa lungsod na ito kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni Superintendent Francisco Ro­dri­guez, hepe ng Lipa City Police, ang mga bik­timang napatay na sina Menandro “Buddy” Briones, 41, residente ng Barangay Bulakla­kan, Lipa City, may-ari ng towing and transport services; at Francisco Llaga, 58, “kristo”, resi­dente ng Barangay Bol­bok sa lunsod na ito.

Sugatan naman ang isa pang “kristo” na si Adolfo Agustin, 46, residente ng Ba­rangay Bolo, Bauan, Batangas matapos ta­maan ng ligaw na bala sa kaliwang braso.

Ayon sa report, na­kaupo sa harap ng en­tablado ang mga bik­tima sa Lipa Games Cockpit Arena na sa­kop ng Barangay Ba­lintawak nang lapitan ng dalawang suspek at pagbabarilin nang ma­lapitan bandang alas-9:10 ng gabi.

Sinabi ng ilang sa­bungero na naganap ang insidente habang isinasagawa ang 9-Stag “Bakbakan International Elimination” Derby na pinangungu­nahan ng Batangas Breeders Club at dina­daluhan ng mga kila­lang negosyante, puli­tiko, government officials at high ranking police officials. (Arnell Ozaeta)

ADOLFO AGUSTIN

ARNELL OZAETA

BAKBAKAN INTERNATIONAL ELIMINATION

BARANGAY BA

BARANGAY BOL

BARANGAY BULAKLA

BATANGAS BREEDERS CLUB

FRANCISCO LLAGA

LIPA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with