Faith healer tinodas

Isang faith healer ang kinaladkad pala­bas ng isang kapilya bago pinagtataga hang­­gang mapatay ng dalawang lalake sa Dasol, Pa­nga­sinan kamaka­ lawa.

Agarang nasawi ang biktimang si George Sabado, re­sidente ng Barangay Tanbobong, Dasol dahil sa mga tinamong sugat ng taga sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Pinaghahanap ng pulisya habang isinu­sulat ito ang tumakas na mga suspek na sina Juan Balecalon at Ber­nabela Arezo.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Pa­ngasinan Police, abala si Sabado sa pangga­gamot sa isa niyang pasyente sa loob ng kapilya nang galit na sumugod ang nagwa­walang sina Arezo at Balecalon.

Walang nagawa ang nasabing faith healer matapos na pagtulu­ngan itong bit­bitin pa­labas sa chapel ng da­lawang suspect na ang isa ay armado ng mata­lim na itak.

Hindi pa nakuntento ay pinagtatadyakan, pinagsasampal bago pinagtataga ng mga suspek ang walang kalaban-labang bik­tima.

Show comments