^

Probinsiya

2 mangingisda utas sa cyanide

- Joy Cantos, Teddy Molina -

Dalawang mangi­ngisda ang iniulat na namatay habang aabot naman sa 40 iba pa ang naospital sa naga­nap na cyanide poisoning sa bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur noong Linggo.

Kabilang sa mga biktimang nasawi ay sina Ronald Jacinto at Loreto Cabradilla na kapwa residente ng Barangay Pilar ng na­sabing bayan.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Jojit del Pra­do, hepe ng pulisya sa bayan ng Sta. Cruz, kinumpirma ng mga doctor sa Tagudin Ge­neral Hospital na ang mga biktima ay nala­son sa kinaing isda na kontaminado ng cyanide.

Ang mga biktima ay dumaing ng pananakit ng ulo at panghihina ng katawan dulot ng epek­to ng cyanide mula sa nakaing isdang ipon na popular sa mga Iloca­nos at ibang bahagi ng bansa.

Napag-alamang sa 40-mangingisdang naapektuhan, 23 na­man ang isinugod sa Tagudin Hospital.

Ayon pa sa ulat, ka­ramihan sa mga bik­tima ay nakaramdam ng epekto ng cyanide ilang araw matapos kumain ng ipon na nalambat nila sa Bua­ya River sa bayan ng Sta. Cruz.

Nabatid na ang na­sabing isda na nahu­huli lamang sa northern Ilocos province kapag sumasapit ang Setyembre hanggang Pebrero ay naging popular sa mga Iloca­nos at ibang bansa dahil sa kakaibang sarap nito na inihalin­tu­lad sa isdang sinara­pan ng Bicol

Bunga ng insidente, binawalan ng mga lo­kal na opisyal ng pa­ma­halaan ang mga residente partikular na ang mga mangingisda na pansamantalang iwasan munang mag­tu­ngo sa naturang ka­ragatan.

Umapela naman ang mga lokal na opis­yal ng Pilar para sa pi­nansyal na tulong sa pamahalaang panlala­wigan ng Ilocos Sur kaugnay ng gastusin sa hospital ng mga biktima.

Kasalukuyan na­mang sinusuri ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang tubig sa Buaya River kung saan nagmula ang mga isda.

BARANGAY PILAR

BUAYA RIVER

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CHIEF INSPECTOR JOJIT

CRUZ

ILOCA

ILOCOS SUR

LORETO CABRADILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with