Agent ng CIDG nilikida

KIDAPAWAN CITY – Niratrat at napatay ang isang pulis na naka­talaga sa Criminal Investigation and Detection Group ng mga ar­madong kalalakihan sa kahabaan ng highway sa Cotabato City, kaha­pon ng umaga.

Nagtamo ng mara­ming tama ng bala ng baril sa katawan ni SPO1 Bonifacio Sales, Jr.

Ayon kay P/Chief Supt. Willie Dangane, hepe ng Cotabato City PNP, sakay ng kulay itim na motorsiklo si Sales nang tambangan sa ha­ rap ng opisina ng paha­ya­gang, The Min­da­nao Cross sa may Quezon Avenue.

Ayon sa ilang naka­saksi, kahit bumagsak na si Sales, isa sa mga suspek ang kumuha ng kanyang baril at pina­putukan ng ilang beses para tiyaking patay na ang kanilang target.

Base sa record ng pulisya, si Sales, ay na­sangkot sa ilang kaso ng mga pagpatay ng mga notoryus na mi­yembro ng kidnap-for-ransom at drug pusher sa Cotabato City, ilang taon na ang nakalilipas.

Sa tala ng Cotabato City PNP, ang ama ni Sa­les ay napatay noong 2006 ng mga grupo ng kri­minal na posibleng naka­ laban ng batang si Sales habang aktibo pa ito sa kanyang trabaho bilang CIDG agent sa nabanggit na lung­sod. (Malu Manar)

Show comments